Articles

Kuryosidad ng Kabataan, Habang Buhay na Responsibilidad ang Kinahantungan – Likhaan

Ito ang kwento ni Lhyn, 19 anyos, may ka-live-in at isang anak, miyembro ng 3K Para sa Kabataan, isang organisasyon ng mga kabataan sa Tonsuya, Malabon na nagsusulong ng reproductive health (RH) sa pamamagitan ng pag-aaral sa sekswalidad at pag-iwas sa kung anu-anong sakit tulad ng STD at HIV-AIDS, pag-iwas sa maagang pagbubuntis, at pagbibigay ng condom. Paano kaya na ang katulad ni Lhyn na miyembro ng ganitong organisasyon ay nabuntis sa edad na 15? Narito ang kanyang kwento.

Palibhasa’y maganda at may talento sa pagsayaw at pagkanta, naging habulin siya sa eskwelahan at sa kanilang lugar. Natural din naman sa edad niya na magka-crush sa kaeskwela, kaya naging masipag siya sa pagpasok. Paboritong subject niya pa nga ang MAPEH, dahil doon itinuturo ang reproductive system ng babae at lalaki. Ngunit nagiging dahilan ng tawanan sa loob ng silid aralan tuwing ipapakita ang larawan ng maseselang parte ng katawan, kaya hanggang doon lang ang inaabot ng topic na yon. …

- Mark Calsona

Read the full article at Likhaan’s website

Comments are closed.

Freelance PHP Developer